Default Thumbnail

Bebot binurdahan ng saksak sa loob ng hotel

January 30, 2023 Jonjon Reyes 332 views

BINURDAHAN ng saksak ang isang 23-anyos na babae ng umano’y 19-anyos na binata makaraan umanong magtalo sila sa presyo ng panandaliang aliw sa loob ng hotel sa Rizal Avenue, Sta.Cruz, Manila, madaling araw n Linggo.

Natagpuang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang biktia nang madatnan ng mga operatiba ng Manila Police District – Sta.Cruz Police Station 3.

Ang biktima ay isang vendor sa Leonor Rivera Street, Sta.Cruz.

Agad naaresto ang suspek ng mga rumespondeng tauhan ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, MPD- Station 3 commander, na nakilalang si Naif Imam, vendor, binata, ng Elizondo Street, Barangay 308, Quiapo, Manila.

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, nakatanggap sila ng tawag sa telepono ng bandang 3:25 ng madaling araw, hinggil sa insidente nang pananaksak.

Rumesponde sina Det.Errhol Aguila at Det. Boy Niño Baladjay at nadatnan nila na naka kordon na ang Rm.314 sa hotel na pinangyarihan.

Sa pagsisiyasat ni Det. Aguila, may hawak ng kaso, isang nagngangalang ” Junel” 23 na room attendant ang nagbigay ng salaysay sa pulisya.

Ipinagbigay ala ni Police Corporal Benjamin Kenneth Flaviano , duty desk officer ng Station 3, kay Capt.Turla ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya , nagkasundo umano ang suspek sa halagang P400 para bayad sa panandaliang aliw.

Pinosasan ang suspek bago itinurnover sa Headquarters. Sumailalim din ito sa medical examination sa Justice Jose Abad Santos General Hospital at nahaharap sa kasong rape with homicide.

AUTHOR PROFILE