Joet Garcia

Proteksiyon ng mga bata tiniyak ng Bataan

December 2, 2023 Christian D. Supnad 148 views

BATAAN–Tiniyak ng pamahalaan ng Bataan ang proteksiyon ng mga bata sa buong lalawigan.

Sinabi ni Gov. Joet Garcia na “nakapaloob sa ating State of the Children Address, ang ulat hinggil sa estado ng mga programa at inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan na nangangalaga sa karapatan ng mga bata, nagbibigay ng proteksyon sa kanila laban sa mga pang-aabuso at diskriminasyon at nagbibigay ng oportunidad para sa kanilang pag-unlad.”

Ibinahagi ng lalawigan ang mga matagumpay na inisyatibo at programa na may kinalaman sa pagkalinga at pagtaguyod ng kinabukasan ng mga bata.

Kasabay nito, iginawad sa mga bayan ang Seal of Child-Friendly Local Governance, at sa mga MCPCs at CCPC naman ang certificate of recognition para kanilang mga inisyatibo at mabilis na pagtugon upang pangalagaan ang kapakanan ng mga bata, dagdag ni Garcia.

Sa idinaos na Councils for the Protection of Children Summit 2023 kamakailan na pinangunahan ng Provincial Social Welfare Development Office, nagpakita ng galing ang mga batang mag-aaral sa mga day care centers gayundin ng kanilang mga munting pangarap.