Default Thumbnail

Propaganda vs BBM walang basehan

November 6, 2021 Marlon Purification 506 views

Marlon PurificationMATATAPANG ang mga binitawang salita ni Gng. Fides M. Lim laban sa nangungunang presidential aspirant, dating Senador Bongbong Marcos (BBM).

Sa tindi ng hugot ni Ate, nagmukhang propagandista ito laban sa pamilya Marcos.

Ipaubaya muna natin pansamantala sa Commission on Elections (Comelec) kung ano ang magiging desisyon nila hinggil sa inihaing ‘Petition to Cancel or Deny Due Course the Certificate of Candidacy’ laban kay BBM.

Pero kahit hindi tayo abogado, alam kaagad natin na sa basurahan pupulutin ang usaping inilalatag ng grupong Dilawan na nag-aanyong Pink na ang kulay nila ngayon.

Bakit ko nasabi?

Una kasi, wala naman talagang Tax Evasion case na isinampa kay BBM. Ang naikaso lamang sa kanya ay ang paglabag nang hindi pagkaka-file ng Income Tax Return na nai-settle rin agad.

Nabayaran ni BBM ang multa na ipinataw ng Court of Appeals sa hindi pagsusumite ng ITR at ito ay hindi maituturing na isang crime of moral turpitude.

Pangalawa, malinaw ang nakalagay sa Section 12 ng Omnibus Election Code na maaari lamang ma-disqualify ang isang kandidato o tao na nasintensiyahan na may parusang mahigit 18 buwan na pagkakakulong.

Kaya ang magiging ending nito tiyak ay nganga ang desperadong Team L na puwedeng stands for Team Leni, Team Lugaw o Team Labnaw!

Anyway, alam n’yo ba mga mahal nating mambabasa na si Ma’am Fides Lim ay asawa ni Nationalist Democratic Front (NDF) consultant Victor Ladlad na naaresto ng mga awtoridad noong November 8, 2018?

Ipinagmamalaki ni Ate na ang kanilang samahan na KAPATID ang nangunguna sa pangangalaga sa pagtatanggol sa mga pamilya at kaibigang political prisoners sa bansa at ang mister daw nito ay isang Political Prisoner.

Excuse me, paanong naging political prisoner, eh ang kaso ng mister mo ay isang criminal case dahil sa illegal possession of firearms at hindi basta mga paltik lang ang nakuha sa kanya, kundi mga high powered firearms.

Ilang CPP-NPA members na ba ng napatay mismo sa loob ng teroristang kilusan na walang awang pinaslang dahil lamang sa nais nilang magbalik loob sa pamahalaan?

Tama na muna ang drama, Aling Fides, kasi wala na pong naniniwala sa ideology ng komunista. Ngayong unti-unting nalulusaw ang teroristang ito, eto’t nagpapagamit naman kayo para lamang siraan ang pamilya Marcos.

Bumenta na ‘yan ‘Te. Ibang kembot naman!