Default Thumbnail

Pinaulanan ng bala, lalaki tigok

March 2, 2024 Gil Aman 68 views

PATAY ang magsasaka sa Center 1, Brgy. Paagahan, Mabitac, Laguna ng paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek noong Biyernes.

Sa ulat ni P/Major Clemente Garcia, hepe ng Mabitac Police, kinilala ang biktima na si Gilbert Musni na residente ng nasabing barangay.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng pamamaril. Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa siyam na tama ng baril mula sa mga suspek na sakay ng puting Toyota Innova, ayon sa report.

Naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi. Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek patungo sa highway sa Brgy. Paagahan.

Hawak sa ngayon ng Scene of the Crimes Operatives ang mga basyo ng bala para sa kanilang imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE