Default Thumbnail

Mag-jowa timbog sa droga

March 2, 2024 Jojo C. Magsombol 57 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Kalaboso kamakailan ang isang negosyante at ka live-in dahil sa pagkaka-aresto habang nagbebenta ng shabu sa Sumulong Highway, Sitio Balanti, Brgy San Isidro, Cainta Rizal.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas David, 36, at kanyang live-in partner na si alyas Jeni, online seller, 29.

Nadakma ng Cainta Drug Enforcement Team (CDET) ang mag-jowa alas-6:25 ng umaga sa Sumulong Highway, Sitio Balanti.

Nakumpiska sa kanila ang 5 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Haharapin nila ang kasong paglabag sa section 5 at 11, Article II of R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.”

AUTHOR PROFILE