NIA TURNOVER-CONTRACT SIGNING–Nanguna sii National Irrigation Administration Deputy Administrator for Engineering and Operations at concurrent NIA-Central Luzon office head Engr. Josephine B. Salazar (4th sa kaliwa) sa turnover ng 19 na proyekto sa mga magsasaka sa Region 3 noong Biyernes.

Central Luzon farmers very happy sa P500 NIA subsidy

March 2, 2024 Steve A. Gosuico 124 views

CABANATUAN CITY–Tuwang-tuwa ang mga lider magsasaka sa Nueva Ecija at Aurora dahil sa dagdag na subsidy sa kanila para sa operasyon ng patubig mula P150 hanggang P500 kada ektarya sa bawat panahon ng taniman.

“Salamat at patuloy na nabibiyayaan ang mga magsasaka. Ito po ay malaking tulong po sa aming pangangailangan. Nagpapasalamat po ang pederasyon ng Nueva Ecija sa mga taga NIA (National Irrigation Administration-Regional Office 3) sa patuloy nyo pong pagtangkilik at pagbibigay ng mga proyekto sa amin,” pahayag ni Federation President Gregorio Alcantara sa turnover at contract-signing activities ng Aurora-Nueva Ecija Irrigation Management Office.

Pinangunahan ang aktibidad ni NIA-OIC Deputy Administrator for Engineering and Operations at concurrent NIA-Region III head Engr. Josephine B. Salazar ang turnover.

Dumalo din ang mga farmer-leaders ng 19 irrigator associations at mga kinatawan mula sa mga partner agencies tulad ng Department of Agriculture-Regional Field Office 3, National Food Authority-Region 3 (NFA-3) at Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Highlight ng okasyon ang mga na-turnover ang 19 na natapos na proyekto na nakumpleto noong 2022 at 2023 sa 19 irrigator associations na may 1,637 farmer-beneficiaries at contract-signing ng Modified Irrigation Management Transfer (IMT) na nagbibigay ng umento sa operation and maintenance subsidy ng magsasaka mula P150 hanggang P500 kada ektarya sa bawat panahon ng pagtatanim.

Layunin ng IMT na palakasin ang kontrol ng magsasaka sa patubig at imprastraktura ng irigasyon upang makamit ang ninanais na mataas na output ng sakahan, sabi ni Engr. Salazar.

AUTHOR PROFILE