Posas

Rape suspek huli sa Rosario

March 2, 2024 Jojo C. Magsombol 70 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nasakote kamakalawa ng mga otoridad ang suspek sa panghahalay sa Brgy. Tulos, Rosario, Batangas.

Nahuli ng mga operatiba ng Rosario police ang 23-anyos na suspek na residente ng naturang barangay dakong alas-6:30 ng gabi.

Inaresto ang akusado dahil sa dalawang counts ng pang-aabuso sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 87 ng Rosario, Batangas.

Walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek, sabi ni P/Col. Samson Belmonte, hepe ng Batangas police.

AUTHOR PROFILE