Frasco

House Deputy Speaker Frasco ‘Outstanding Public Servant’

March 2, 2024 Mar Rodriguez 96 views

KINILALA bilang Outstanding Public Servant si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco bunga ng serbisyo para sa kanyang mga kababayan.

Pagkatapos ng thorough review, kinilala ang kongresista para sa 2023 bunsod ng natatanging paglilingkod bilang kinatawan ng 5th District ng Cebu.

Sa Facebook (FB) page ng Team Frasco, pinapurihan ang mambabatas ng kanyang supporters dahil sa exceptional achievements niya sa 5th district.

Ipinabatid ni Frasco na sa kaniyang termino bilang kinatawan ng 5th District, sinisikap niyang maging pro-active ang kanyang panunungkulan sa pamamagitan ng aktibong pagtulong sa mga taong nangangailangan.

“Congressman Frasco’s tenure in office has been characterized by his proactive approach to legislation and his relentless pursuit of initiatives that benefit not only his district but also contribute significantly to national development,” ayon FB page ng Team Frasco.

Kasabay nito, namahagi ng tulong ang House Deputy Speaker sa mga residente ng Brgy. Esperanza, Poro kasunod ng turnover ng bagong covered court ng Luciano B. Rama Memorial National High School.

AUTHOR PROFILE