PCMA humiling ng malinaw na programa para sa transport sector

October 4, 2021 Jun I. Legaspi 207 views

NANAWAGAN ang commuter at transport groups sa mga Party List na nagsasabing kinakatawan nila ang transport sector na maglabas ng malinaw na program para sa nasabing sector.

Ang panawagan ay ginawa ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) matapos pormal na mag file ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Election (COMELEC) at nagsasabing sila ay 100% kumakatawan sa sector ng transportation.

Ayon sa grupo,hinahamon nila ang mga grupong ito na nagsasabing kinakatawan nila ang sector na ngayon pa lang maglatag na ng malinaw na program kung ano ang kanilang gagawin para sa transport sector kung palaring manalo.

“Mahal namin ang transport sector. Ipaglalaban namin ang mga driver, pero sa karanasan namin nung nandun na sa Congress, hindi na kami kilala. Kung talagang mahal nila ang mga ordinaryong driver bakit ang daming namamalimos sa kalsadang mga driver, nasaan ang program, nasaan ang tulong,” tanong ng PCMA.

Hiniling ng PCMA sa mga grupong nagsasabing tunay na kinakatawan nila ang transport sector ang malinaw nilang programa at kung ano ang mga benepisyo para matulungan ang mga driver at mga pamilya nito na umunlad.

“Kung halimbawang magkasakit at mabaldado, o namatay, anong mga tulong ang nakalaan sa mga ito?,” saad ng (PCMA).

Tinatanong din ng PCMA kung anong mga alternatives program sa pangkabuhayan ang pwedeng ibigay ng mga grupong ito upang magkatulong tulong ang buong pamilya para sa kanilang kabuhayan.

Umaasa ang PCMA na ilalatag ng mga nasabing grupo ang kanilang mga malinaw na programa upang malaman nila kung sino ang kanilang karapat-dapat na iboto.

AUTHOR PROFILE