Inton Si Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) matapos ang panunumpa bilang bagong member ng partido Aksyon Demokratiko. Ang buong pwersa ng LCSP ay sumanib sa Askyon Demokratiko bilang patunay na pagsuporta sa kandidatura sa pagkapangulo ni Mayor Isko Moreno sa 2022 elections. Photo courtesy ni ATTY. ARIEL INTON

LCSP: Commuter, transport group full support kay Isko

October 2, 2021 Jun I. Legaspi 773 views

ANG commuter at transport group ay 100% full support kay Manila Mayor Isko Moreno para maging Presidente sa darating na 2022 national elections.

Ito ang sigaw ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) matapos lumipat ang buong pwersa ng LCSP sa Askyon Demokratiko bilang patunay na pagsuporta sa kandidatura ni Yorme Isko bilang Presidente ng bansa.

Sa interview sinabi ni Inton bukod sa commuter at transport groups kabilang din sa mga matataas na official councilors ng Quezon City ang lumipat at nanumpa ng katapatan sa partido ni Mayor Isko.

Ang commuter at transport group ay kinabibilangan ng grupo ng mga tricycle, motorcycle taxi, jeepneys, taxi, bus, UV Express, Van, TNVS, trucks at School Service at ipa pang mga public transportation.

Paliwanag ni Inton, kay Mayor Isko lang nila nakikita ang malinaw na program kung saan n’ya dadalhin ang bansa tungo sa isang maunlad na bansa. “Siya ay maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at may mga programa siya para sa mga mahihirap lalo na sa mga ordinaryong driver ng public transportation,” dagdag ng LCSP founder.

Nakita rin ng buong pwersa ng LCSP at mga major transport groups na nakikinig si Mayor Isko sa mga tao lalo na sa mga maliliit at ordinaryong tao para sa kanilang ikabubuti.

Patunay din anya ang mabilis na ginawa nitong transformation sa pagpapaunlad ng mga public establishment tulad ng mga hospitals, parks, at mga underpass.

“Iyung mga dating kalsadang madilim sa matagal na panahon ay nagliwanag at maraming lugar sa Manila ngayon ang malinis,” dagdag ni Inton.

Ayon kay Inton, tiyak sila na si Yorme Isko ang karapat dapat at naniniwala silang ito ang susunod na Presidente ng bansa sa 2022.

AUTHOR PROFILE