Liza Source: Liza Marcos FB

PBBM, FL Liza Marcos nag-date, nanood ng James Taylor concert

April 10, 2024 Chona Yu 88 views

MATAPOS aminin na nagtatampo na si First Lady Liza Marcos, nai-date na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Unang Ginang sa concert.

Sa Facebook post ni First Lady Liza, makikitang magkasama ang First Couple na nanood ng concert ni James Taylor sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Abril 8.

“An evening with James Taylor,” pahayag ni First Lady.

Matatandaan na sa ambush interview sa Bacolod City, sinabi ni Pangulong Marcos na nagtatampo na si First Lady Liza dahil dalaeang date na ang hindi natuloy bunsod ng punong iskedyul.

Pangako ni Pangulong Marcos na babawi siya kay First Lady pagbalik sa Pilipinas matapos ang trilateral meeting sa Amerika.

“Wala, this last. Dalawa na miss namin ang date namin. So, kailangan akong mag-ano, kailangan akong babawi pag-balik ko galing sa States. Nagtatampo na sa akin,” pahayag ni Pangulong Marcos

Babalik sa bansa si Pangulong Marcos sa Abril 16.

AUTHOR PROFILE