Koreano Sinisiyasat ng mga operatiba ng MPD at Soco ang pinangyarihan ng trahedya. Kuha ni JONJON C. REYES

Koreano nahulog mula 9th floor sa Ermita, tigok

April 10, 2024 Jonjon Reyes 63 views

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng mga operatiba ng ng Manila Police District (MPD) kauganay sa pagkamatay ng isang lalaki na nahulog sa isang gusali sa Adriatico St., Ermita, Malate, Maynila.

Tinatayang nasa edad na 26 pataas ang biktima na nakilalang si Wonbin Lee, nanunuluyan sa unit 501 sa ikalimang palapag ng V-Hotel sa Adriatico St.,Malate.

Ayon kay Barangay 698 Ex-O Guillermo Leopardas Jr., pasado 7 a.m. ng Miyerkules nang itawag sa kanila ang insidente.

Ayon kay PMajor Edwin Fuggan,PCP commander ng Remedios Circle, inaalam pa kung paano nahulog ang biktima.

AUTHOR PROFILE