LTFRB Source: LTFRB

Deadline ng PUV consolidation hindi na palalawigin ni PBBM

April 10, 2024 Chona Yu 79 views

WALA nang balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ang aplikasyon para sa consolidation ng individual public utility vehicle (PUV) operators para magbuo ng transportation cooperatives.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa open forum ng Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns sa San Juan City na dinaluhan ng mga alkalde ng Metro Manila at iba pang mga opisyal ng gobyerno at transport sectors.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala nang extension dahil ilang beses na itong pnalawig ng gobyerno.

Matatandaan na nitong katapusan ng Enero ay pinalawig ang aplikasyon para sa PUV modernization hanggang Abril 30,2024 matapos na irekomenda ng Department of Transportation (DOTr).”

“At ang kahuli-hulihan ay asahan po ninyo wala na pong extension ‘yung modernization (PUVMP). Kailangang na kailangan na natin ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Aayusin… tinitiyak lang namin na hindi mapabigat pa ang babayaran at ang iuutang ng drayber, operator kaya’t ginagawa nating maayos at ginagawa nating well-organized ‘yung sistema na ‘yan,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito siniguro rin ng presidente na hindi na magiging mabigat ang babayaran at iuutang ng driver-operators dahil gagawin nang maayos at organisado ang sistema dito.

Layon ng consolidation para sa PUV Modernization Program ay mapalitan ang traditional jeepneys ng Euro 4- compliant engine para mabawasan ang plusyon at mapalitan na ang mga unit na hindi na roadworthy sa ilalim ng standards ng Land Transportation Office (LTO).

AUTHOR PROFILE