Rob

PANG-IISNAB NG ‘THE VOICE,’ BLESSING IN DISGUISE PARA KAY ROB

March 14, 2023 Ian F. Fariñas 234 views

BLESSING in disguise na ring maituturing ang pagkakaisnab kay Rob Deniel sa blind auditions ng The Voice ng Kapamilya network dahil hindi man pumasa, eh, mas umariba naman ang career niya ngayon sa ilalim ng Vicor Music.

Sa launching ng ninth solo single ng 19-year-old retro-pop singer na Ang Pag-ibig, inamin niya na maging siya ay nagulat sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Nu’ng nag-uumpisa nga raw siya sa edad na 16, na-shock siya’t ’di inasahan na aani ang Ulap ng 40 million streams, pati na ang follow-up single niyang Gabi na may seven million listens, Sinta at Kundiman na nagtala ng dalawa at apat na milyong streams, respectively.

“Parang habang tumatanda ako mas naiintindihan ko na marami pa akong pwedeng gawin para mas malaro itong nakukuha kong popularity. Mas marami pa akong bagay na maipapakita sa tao,” sey pa ni Rob.

Mismong si Rob ang nag-compose at sumulat ng Ang Pag-ibig katuwang ang Awit-awarded producer/recording engineer Jean Paul Verona at ang Viva Recording Studios sa pagre-record.

Labas na ang official music video nito na nag-premiere noong March 5 sa official YouTube channel ng singer.

Ang music video naman featuring Karina Bautista as Rob’s partner ay dinirek ni Chris Kazin.

Available na ang Ang Pag-ibig sa lahat ng music streaming platforms sa ilalim ng Vicor Music label.

AUTHOR PROFILE