Rape ANG SALARIN–Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr.(kanan) ang suspek sa panghahalay na natimbog ng mga operatiba ng Manila Police District sa Pangasinan. Kuha ni Jon Jon Reyes

Nanghalay sa Maynila tiklo sa Pangasinan

May 25, 2024 Jonjon Reyes 98 views

NAHULI ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang lalaki dahil sa kasong panghahalay sa San Carlos City, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si alyas Eboy, 26, ng Dapo St., Zamora, Pandacan.

Sa ulat ni Police Captain Veronica Apresurado, hepe ng MPD-Women and Children’s Protection Section, bandang alas-2:45 ng hapon ng matunton ang binata sa G.H Del Pilar St., Brgy. Tandang Sora, San Carlos City, Pangasinan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Eleazar Edolfo, Officer-in- Charge ng San Carlos City police, menor-de-edad ang biktima ng suspek.

Ayon kay Police Major Philip Ines, public information office chief ng MPD, sinabi ng biktima na “hinahanap na s’ya ng ate nya at galit na galit na sa kanya.”

Itinuro ng suspek yung madilim na daanan pauwi sa bahay ng biktima at habang tinatahak ng biktima ang madilim na lugar dito na siya biglang sinakal at pinagsamantalahan ng suspek.

Matapos malaman ng suspek na kinasuhan s’ya ng biktima, nagtago na sa kanyang kamag-anak sa Pangasinan at doon na nagbebenta ng fishball.

AUTHOR PROFILE