Crime

Kelot binoga sa ulo, utas

May 25, 2024 Edd Reyes 74 views

UTAS ang isang lalaki ng barilin sa ulo ng kanyang kasama habang may kausap sa kanyang cellular phone sa Caloocan City noong Biyernes.

Nakita na lang ng mga residente ng Marvan Compound, Brgy. 176, Bagong Silang ang duguang bangkay ng lalaking edad 20-25, may tattoo na “Cristel Marie M.” sa likod at “Arvin” sa tagiliran matapos marinig ang isang putok ng baril dakong alas-12:00 ng hatinggabi.

Sa report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakita ang biktima at bumaril sa kanya na naglalakad mula sa Abot-Kamay covered court papunta sa Phase 4, Package 9, Block 78, Marvan Compound.

Pagpasok sa eskinita, doon na binaril ng suspek ang biktima na bumulagta at tigmak ng dugo pagkatapos barilin.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang basyo ng kalibre .9mm sa lugar na kanilang isusumite sa Northern Police District Forensic Unit (NPD-FU) para sa ballistic examination.

AUTHOR PROFILE