Kathryn Larawan mula sa IG/@johnvalle20

Pagiging payat ni Kathryn pinuna ng netizens

November 29, 2023 People's Tonight 315 views

PINUNA ng ilang netizens ang pagbabago sa katawan ng ‘A Very Good Girl’ actress na si Kathryn Bernardo.

Sa in-upload na mga bagong larawan ni Kathryn ng celebrity hairstylist na si John Valle, nagbigay komento ang ilang netizens na malaki umano ang ipinayat ng aktres.

Pinayuhan naman ng ilang netizens ang aktres na magdagdag ito ng timbang.

Iniugnay din ng ilan ang pagpayat ni Kathryn sa kumakalat na isyung hiwalay na sila ng kanyang nobyong si Daniel Padilla. Na-stress daw umano ang aktres dahil sa nangyari kaya pumayat.

“Miss Kath pataba po konti…mas bagay po sayo….ang ganda nyo pa nman.”

“Idol mag pataba k ng konti mas bagay s iyo yun dati mong katawan laban lang marami ang nagmamahal s iyo dahil simply k lang.”

“Lalong napayat broken hearted pa din ba?? Kalimutan na yan, wag na balikan. Uulit ulitin lang yan. Move on.”

“Idol, mas bagay po kapg mdyo mataba mas blooming sya dati, kesa payat ka..parang matured tingnan po.”

“Pataba po. Mas bagay medyo may laman kesa payat lalong tumanda, Love u.”

“Di bagay ang sobrang payat, magpataba ng konti sana.”

AUTHOR PROFILE