Nadine Samonte Larawan: Nadine Samonte/IG

Nadine Samonte pinang-gigilan ang anak

November 29, 2023 People's Tonight 149 views

SUPER-KALOG ang pagbati ng Filipino-German model-actress na si Nadine Samonte para sa birthday ng kanyang loving daughter na si Harmony.

Sa kanyang Instagram post, Martes, Nobyembre 28, sinabi niyang si Harmony umano ang pinakamatalino at tahimik sa kanilang pamilya.

Aniya, “To my little girl Harmony. Happy Happy Birthday! You completed this family . Ikaw ang pinakamatalino sa kalokohan at ikaw ang pinaka tahimik pero lagi nagmamasid😅 i love you so much.”

Sey pa ng “Forever my Love” star, lagi umano siyang napapasaya ng kanyang little loving daughter kaya ay pinang-gigigilan niya ito.

“Your brother and sister loves you too so much . Thank you for being so sweet all the time and thank you for making me smile always ☺️❤️ grabe lagi ako nanggigigil sa kanya 😅 love you love you our Muni 😘,” dagdag pa ni Nadine.

AUTHOR PROFILE