Andrea Larawan mula sa IG/@blythe at @milesocampo

Andrea may kinalaman daw sa hiwalayang Miles, Elijah

November 29, 2023 People's Tonight 199 views

ITINUTURO umano ang pangalan ng aktres na si Andrea Brillantes na mayroon daw kinalaman sa breakup ng ‘E.A.T.’ host na si Miles Ocampo at aktor na si Elijah Canlas.

Ang pagsasama raw nina Elijah at Andrea sa seryeng ‘Senior High’ ang sinasabi kung saan naganap umano ang lahat.

Ayon sa online show na ‘Cristy FerMinute,’ kinaawaan ng host nito at beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang aktres. Wala pa naman daw resibo at si Andrea agad ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

“Nakakaawa lang na siya ay itinuturo samantalang wala pa namang resibo kung siya ba talaga ‘yung nanggulo o third party sa mga naghihiwalay na relasyon,” sey ni Cristy.

“Masyado siyang paborito,” saad pa ng kolumnista.

“Katulad niyan nagkasama lang sila sa Senior High. Eh siyempre magkakasama sila sa isang serye, magkaka-close ‘di ba,” aniya pa.

Kamakailan lang din ay nadawit ang pangalan ni Andrea sa kumakalat na isyung hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at siya rin ang itinuturong dahilan nito.

Samantala, matatandaang si Elijah mismo ang nagkumpirma na hiwalay na sila ni Miles. Wala namang nabanggit ang aktor na third party ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ayon pa sa kanya ay nasa mabuting kalagayan sila at walang galit sa isa’t isa.

“We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff. We are okay, we are not mad at each other… I’m always gonna have love for her and support her with what she does but right now we are taking our time figuring things out,” pahayag ni Elijah.

AUTHOR PROFILE