Lapid

Sen. Lito, natakot ma-bash sa ‘senior citizen’ tukaan nila ni LT

November 29, 2023 Vinia Vivar 145 views

Hindi lang sa action scenes tumutodo si Sen. Lito Lapid sa “FPJ’s Batang Quiapo” kundi sa kissing scene rin.

May kissing scene sila ni Lorna Tolentino sa nasabing action-serye na pinagbibidahan ni Coco Martin at talaga namang pinag-usapan din ito ng netizens.

Sa early Christmas lunch with the entertainment press na ginanap last Tuesday ay natanong si Sen. Lito kung ano ang feeling na marami ang kinilig sa halikan nila ni LT.

“’Yung kissing scene ng senior citizens na?” aniya sabay-tawa. “Okay lang. Kasi ipinaalam naman sa akin ni Coco na magkakaroon kami ng kissing scene ni Lorna.

“Alam n’yo naman ang karakter ni Lorna, simpleng-simple saka walang mga tsismis, kahit ano. Malinis ang pangalan niya.

“Saka single naman siya, ‘di ba? Saka walang problema. Eh, sabi ni Coco, ‘may kiliti ‘yan, at least ‘yung mga sing-edad n’yo,’ may love story pa raw, sabi niya.

“Eh, buti naman at kinagat naman. Kaya ang tawag sa amin ngayon, PriManda. Kasi Primo at Amanda,” sey ni LL.

Pinaghandaan ba niya ang kissing scene nila ni LT?

“Hindi, pareho naman ayaw namin kasi baka ma-bash kami, dahil parehong senior citizen naghahalikan pa,” natatawang sabi ng senador/action star.

Kaya naman natutuwa siya na nagustuhan ng mga tao ang kanilang kissing scene.

“Sabi ko nga kay Coco, ‘wag na, baka sabihin ng tao senior citizen na kami naghahalikan pa. Kasi sa mga pelikula ko noong araw, hindi ako nakikipag-kissing scene puro action lang ako,” he said.

Sa komentong parang sila ni LT ang older version nina Coco at Ivana Alawi sa “Batang Quiapo,” ani LL, “Oo parang ganu’n. ‘Yun naman ang sinasabi ni Coco. Sabi ko ‘baka wala na kami rito, baka ma-bash-bash kami diyan.’ sabi niya, ‘hindi.’ Kamukha ng kay Angel Aquino, du’n sa ‘Probinsyano,’ may kiliti din ‘yon.”

Kung bibigyan siya ng batang leading lady ay gusto rin niya pero siyempre, depende pa rin sa story.

AUTHOR PROFILE