Donnalyn Bartolome

Donnalyn, malapit nang mapasagot ni JM

November 29, 2023 Vinia Vivar 199 views

Mukhang malapit nang mapasagot ni JM de Guzman ang nililigawang si Donnalyn Bartolome o baka nga magdyowa na sila at hindi pa lang inaamin.

Makikita sa Instagram Story ni JM na ni-reshare niya ang post ni Donnalyn na nagpapasalamat sa ipinadala niyang pagkain.

Ipinakita ni Donna sa video ang sinigang na salmon at iced chocolate coffee na ipinadala ni JM sa kanya.

“Bineybi girl mo ‘ko do’n, ah. Thank you, ang sweet mo naman,” sey ni Donnalyn.

Nirepost din ng aktor ang convo ni Donnalyn at isang fan sa social media.

“Pwede bang si JM nalang ibigay mo?” ang tanong ng fan.

Sagot ng singer/actress, “Tnry ko na po ipaubaya siya sa iba… Pero nagagalit po siya ihhh. Iba nalang hingin mo siss.”

Sa caption, ani JM ay kinilig siya sa sagot ni Donna.

“Hihihi kinikilig akoo,” the actor wrote.

Matatandaang sinabi ni JM sa mga nakaraang interview na mahigit isang taon na siyang nanliligaw kay Donna at puring-puri nga ng netizens ang kanyang pagiging matiyaga sa panahon ngayon na hindi na uso ang matagal na ligawan.

Pero base rin sa mga kilos ni Donna, mukhang like rin naman niya si JM.

AUTHOR PROFILE