Jolina Larawan: Jolina Magdangal/IG

Jolina Magdangal stress-reliever ang asawa

November 29, 2023 People's Tonight 136 views

NAWAWALA umano ang takot at stress ng aktres na si Jolina Magdangal kapag kapiling niya ang kanyang asawang si Mark Escueta.

Sa kanyang Instagram post, Martes, Nobyembre 28, sinabi niyang, “Ngayon araw na ito, gagawin kong random ang mga posts ko at ang theme ay “i love you day”.

Inumpisahan na nga ng “Home Alone da Riber” actress sa pagbigay ng mensahe para sa kanyang long-time partner.

Aniya, “Umpisahan ko sa taong walang kapantay sa puso ko. I love you mahal kasi pag kasama kita tanggal lahat ng worries and fears ko.”

Nagpasalamat pa ang aktres sa kay Mark dahil naka-vibe niya ito sa kamakailan lang na concert ng kapwa niya ka-momshie na si Regine Velasquez.

“Thank you din kasi kahit napaka gulo ko sa upuan ko sa sobrang saya at feel na feel ang mga kanta ni Ate Reg sa concert niya, ramdam na ramdam ko na masaya ka para sakin.😬,” saad pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE