Kylie Larawan mula sa IG/@kylieverzosa

Kylie Versoza kinumpirmang may nobyong non-showbiz

November 29, 2023 People's Tonight 115 views

TILA naka-move on na sa kanilang naging breakup ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa at ang dati nitong nobyo at aktor na si Jake Cuenca.

Kinumpirma ni Miss International 2016 na mayroon na siya ngayong karelasyon na isang non-showbiz guy.

Ayon sa kanyang panayam, masayang-masaya si Kylie sa relasyon niya ngayon.

Sey pa niya na nais niyang gawing pribado ang kanilang relasyon ng non-showbiz guy dahil mas mapayapa raw ito.

“Yeah, I am dating someone. Non-showbiz. I am so happy. Honestly, I want to keep it private this time. It’s a private relationship. And it is really, really peaceful,” pahayag ng beauty queen-actress.

Matatandaang naging maingay ang ngalan ni Kylie matapos ang naging hiwalayan nila ni Jake.

Sa kasalukuyan, may karelasyon na rin ang aktor sa former member ng girl group na GirlTrends at aktres na si Chie Filomeno.

AUTHOR PROFILE