Michelle

Paga-out ni Michelle suportado ni Rhian

May 30, 2023 Aster Amoyo 217 views

MAKARAANG aminin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na isa siyang bisexual, nagpahayag naman ng suporta ang kanyang housemate at BFF na si Rhian Ramos.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Rhian ang magazine cover ni Michelle kung saan niya ginawa ang pag-amin.

“We love who you are,” saad ni Rhian sa caption.

Dagdag pa ni Rhian na naka-tag si Michelle, “We love you, bb.”

Sa hiwalay na IG Story, nag-post si Rhian ng black and white selfie nila ni Michelle na may caption na, “You do you hunhun.”

Nitong nakaraang taon, inihayag ni Rhian ang paglipat niya ng bahay kasama si Michelle. Malapit lang umano ang naturang bahay sa tinitirhan ng isa pa nilang kaibigan na si Max Collins.

Nang lumaban si Michelle sa Miss Universe Philippines crown, makikita rin ang suporta sa kanya nina Rhian, Max at influencer na si Janina Manipol.

Sa special issue ng Mega Magazine na inilabas nitong Lunes na cover si Michelle, sinabi niya na, “I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember.”

Max handa nang mag-move on

MATAPOS na aminin na hiwalay na sila ng kanyang dating mister na si Pancho Magno, anong kulay na kaya ang pag-ibig ni Max Collins kung traffic light ang kanyang puso?

Tanong ito ni Boy Abunda sa aktres.

“Yellow,” nakangiting sabi ni Max, na indikasyon na handa na siyang mag-move on.

Nang hingan ng paliwanag tungkol sa pag-move on, dito na sinabi ni Max ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Pancho na nangyari noong panahon ng pandemic.

“I’m not looking for anything but I’m not angry and I’m not hurt anymore. I learned that you have to be honest with your partner. You have to respect yourself, love yourself enough to leave the table when your needs are not being met. That’s something that I have learned that I need to love myself more to know what makes me happy and what can make me the best version of myself because you only have one life,” sey ni Max.

Abangan si Max bilang si Elize sa upcoming action-comedy sitcom na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis,” na mapapanood sa GMA simula sa June 4.

Fra Lippo Lippi lead vocalist may panawagan sa mga Pinoy

THROWBACK at senti feels ang hatid sa Pinoy fans ng bokalista ng Norwegian band na Fra Lippo Lippi na si Per Sorensen, na may two-night concert sa bansa sa Hunyo.

Hindi pa man nauuso ang hugot songs, tagos na sa puso ang mga kanta ng Fra Lippo Lippi lalo na sa mga laking 90s.

Sinabi ni Per na na-miss niya ang Pinoy warmth at hospitality, lalo na kapag sumasabay ang audience sa pagkanta.

“Very, very good. You know there are so many talents in the Philippines. They are very good singers, they have a very good musical ear. It seems, not all, but in general, it seems to be that way,” sabi ni Per.

“It’s very easy. And the audience is like that too, the way they sing their hearts out and I love that. It’s very easy to be on stage when you have a Filipino audience in front of you,” dagdag pa ng Norwegian singer.

Gaganapin ang kaniyang concert sa Hunyo 16 sa Pasay at Hunyo 17 sa Laguna.

“Please, come to the show! I welcome you all. It would be so nice to see you there. I’m going to sing my heart out to you,” pag-imbita ni Per sa mga Pinoy.

AUTHOR PROFILE