Sharon

Sharon, inakusahang sumisipsip kay Coco, Netizen tinalakan ng Megastar!

May 29, 2023 Vinia Vivar 230 views

Tumalak nang bonggang-bongga si Sharon Cuneta sa isang netizen na pinagbintangan siyang sumisipsip kay Coco Martin para mapasama sa FPJ’s Batang Quiapo.

Nag-post ang Megastar ng kanyang nararamdaman sa diumano’y pag-amin nina Coco at Julia Montes sa kanilang relasyon.

Ayon kay Sharon, happy siya para sa kanyang dalawang anak-anakan.

“Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! Happy si Mommy ‘mysha! @montesjulia08 @cocomartin_ph,” simula ni Sharon.

“P.S. I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.

“They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much — and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive — and that certainly will not change! I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let’s all be happy with our own lives and be happy for them,” pahayag pa ni Shawie.

May isang basher na nagkomento ng “ok sige… sipsip pa more baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo.”

Of course, hindi ito nagustuhan ni Sharon at talagang hindi niya pinalampas ang nag-comment.

“Excuse me? Saan planeta ka lumaki?” ang unang hirit ni Sharon.

Dagdag pa niya, “May sarili akong mga trabaho. Busy ako.”

Sey pa niya na halatang imbiyerna, “Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa Probinsyano ako ang inimbita di ako nagpresenta. Pag ako nagpresenta ng sarili ko, yun ay para makatulong hindi para matulungan. Dalawa parating kong teleserye at may movies ako. Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa.”

PASSION PROJECT

tagumpay ang grand opening ng ZY Shop sa Kawit, Cavite na dinaluhan ng mga celebrity sa pangunguna ni Nikko Natividad at ilang sikat na influencers.

Ang ZYShop Worldwide Direct Selling OPC o mas kilala sa tawag na ZY Shop ay isang passion project na binuksan para makatulong sa mga Pinoy entrepreneur.

Nagsimula ito bilang direct selling company ukol sa mga produktong pangkasuotan noong 2014 at sa kasalukuyan, ay isa na sa pinakamalaking distributor sa bansa.

Ang pagtulong ang number 1 prayoridad ng nabanggit na kumpanya lalo na sa mga negosyante na nais magkaroon ng sariling negosyo.

Mula nang ilunsad ito ay nakapagtayo na umano sila ng 10 satellite branches, limang mini-warehouses, siyam na mini-libraries, 14 school/organizations na nakapagpabago ng buhay ng may 1,610 business partners, 81 gold members at may mahigit sa 500,000 na katao sa pamamagitan ng job creation, donations at CSR initiatives.

Bukod dito, nakapaggawad na rin ito ng limang awardees sa lokal at international.

Sey nga ni Dr. Rahm Dagdag, founder at CEO ng kumpanya, “We hope that we will be able to influence more people, to unleash their business potentials and join us in the journey.”

Gayundin ang adhikain ng dalawa pang opisyales ng shop na sina Mark Jercy Garcia, COO, at Mary Anne Dagdag, COO.

AUTHOR PROFILE