Martin

P2B para sa rice retailers inilaan ni Speaker Romualdez

September 4, 2023 People's Tonight 310 views

INATASAN noong Sept. 4 ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Appropriations Committee ng House of Representatives na gumawa ng paraan para makahanap ng P2 bilyong pondo para ilaan sa pagbibigay ng tulong sa mga rice retailers na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas na itinakda ng Malakanyang nitong Biyernes.

Sa pahayag, sinabi ni Romualdez na partikular niyang inatasan si Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, chairman ng Appropriations Committee ng House Of Representatives na agad makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para maglaan ng P2 bilyon sa mga rice retailers.

“We want to ensure that we can provide assistance to rice retailers who may be affected by this price ceiling, which they need to comply with because it is an order from our president to protect consumers,” ayon kay Romualdez.

Ayon naman kay Cong. Co, agad siyang nakipag-ugnayan sa tanggapan ng DBM sa pamumuno ni Sec. Amenah Pangandaman para agad mahanapan ng alokasyon ang naturang pondo.

“We will immediately work with the DBM for the immediate release of the P2 billion funds for our rice retailers,” ani Rep. Co.

Ipinaliwanag ni Romualdez na patunay ang naturang inisyatiba ay na seryoso ang Kongreso na masiguro na maayos at masigla ang food supply sa bansa.

Kamakailan lamang inanunsyo ni Romualdez na makikipagpulong siya sa mga lider ng mga rice retailer sa buong bansa para pakinggan ang kanilang mga hinaing ukol sa itinakdang price ceiling ni President Ferdinan “Bongbong” Marcos Jr.

Inirereklamo naman ng ilang retailers na nabili na nila ang kanilang mga bigas sa halagang P50 per kilo kaya imposible silang makasunod sa naturang price ceiling.

“But definitely, the government will help our retailers affected by this EO,” anang Speaker.

AUTHOR PROFILE