Sam

‘Nonstop’ ni Sam, balik-tanaw sa energy ng live shows

September 19, 2021 Ian F. Fariñas 264 views

Mataas na energy ang mararamdaman sa bagong kanta ni Sam Concepcion na tinawag na Nonstop at inspired ng adrenaline rush na nararamdaman kapag nagpe-perform siya sa live shows.

Si Sam mismo ang sumulat ng awiting mula sa Tarsier Records katulong ang label head at mainstay producer na si Moophs na nagkwentong ginawa nila ito halos dalawang taon na ang nakakalipas.

“We created this in 2019 at a time when he was doing lots of shows, so it came from that kind of energy,” ani Moophs.

Kwento rin ng Nonstop producer na nag-alangan si Sam na ilabas ang kanta noong una dahil na rin sa pinagdadaanan ng karamihan ngayon.

“But we managed to convince him that it’s a light-hearted, fun song which is what people need right now,” paliwanag ni Moophs. “We all miss the energy of live music, and hopefully, this song will bring people right back to that peak moment concert energy that Sam is so good at delivering.”

Sa paglulunsad ng Nonstop, tuluy-tuloy na muli si Sam sa paggawa ng musika.

Katunayan, busy na siya sa pagbuo ng kanyang EP sa ilalim ng Tarsier Records na magbibida ng mas matured niyang tunog.

Last year, nakasama niya sina Eric Bellinger, Inigo Pascual, Moophs, Zee Avi, at Vince Nantes para sa cross-cultural single na RISE.

Pakinggan ang Nonstop ni Sam na available na sa iba’t ibang music streaming platforms.

AUTHOR PROFILE