Default Thumbnail

No. 1 MWP sa murder nasukol sa Tondo

March 9, 2022 Jonjon Reyes 280 views

HINDI na nagawang makapiglas ng posasan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) ang isang 25-anyos na lalaki , makaraang hainan ng arrest warrant, Martes ng hapon sa Tondo, Maynila.

Dahil dito, “no bail” ang inirekomenda ng korte sa suspek na nakilalang si Demetrio Prado, may ka-live-in, tambay, ng Building 16, Temporary Housing Aroma Compound sakop ng Barangay 105, Tondo.

Base sa ulat na isinumiti ni P/Maj. Cicero Pura, hepe ng DSOU kay MPD-Director , P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, bandang alas-4:30 ng hapon nang arestuhin nila si Prado sa loob ng kanyang bahay.

Bitbit ang warrant of arrest para sa kasong “Murder” na inisyu ni Presiding Judge Bibiano Colasito ng Regional Trial Court Branch 50 na may petsang Pebrero 17, 2022.

Ang suspek ay nasa top/rank no. 1 most wanted person (MWP) sa Station level at walang inirekomendang piyansa. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE