Crime

Nagpapautang binayaran ng bala sa ulo, patay

August 9, 2023 Bernard Galang 305 views

ISANG Indian money lender ang pinatay noong Martes ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen Jose Hidalgo Jr., ang biktima ay kinilalang si Nishan Singh, 30, ng 4203 Martina Marie St., Bgy. Capaya 2, Angeles City.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman si Singh kasama ang kanyang live-in partner at isang kaibigan sa harap ng isang car wash sa San Vicente St., Bgy. Tabun, Angeles City nang huminto ang dalawang lalaking sakay ng plateless na motorsiklo saka binaril ng backrider si Singh sa ulo bago sila tumakas.

Patay na ng isugod si Singh sa Angeles University Foundation (AUF) Hospital.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng helmet, gray sweatshirt, light brown short pants at black and white na sapatos ang gunman.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pamamaril.

AUTHOR PROFILE