Nursing Ang nursing student na tumulong nang biglang manganak ang isang babae sa labas ng bahay. Mga larawan mula sa Facebook/Aron Franco

Buntis nanganak sa labas ng bahay

August 9, 2023 People's Tonight 368 views

Nursing1Nursing student to the rescue!

ISANG nursing student ang nag-ala superhero at tumulong sa isang nanay na biglang nanganak sa labas ng bahay sa Bgy. Bantique, Masbate City, nitong August 2.

Ang nasabing nursing student ay 21-anyos, 3rd-year sa Southern Bicol Colleges at kinilala bilang si Julyn Faith Oliverio.

Dakong 8 p.m. ng mangyari ang emergency at isa si Oliverio sa tumulong upang maisalba ang unang sanggol ng biglaang panganganak ng nanay.

Ayon kay Oliverio, nakita niya sa labas ng kanilang bahay ang nasabing babae at tanging OB kit na ginagamit niya sa pag-aaral at ang mga natutunang kaalam sa pamantasan ang ginamit niya upang mailuwal ang kambal.

Saad pa ni Oliverio sa kanyang Facebook post na akala niya’y hindi niya maisasalba ang sanggol. Nilakasan na lamang daw niya ang kanyang loob at ginawa ang pagtulong sa abot ng kanyang makakaya.

“At first I thought I couldn’t make it because the moment I saw this little angel nan lumsi na gayud knowing the baby was premature but instead wara ako nan luyahan san kursonada. I did very best I could give and yes! Truly, God is so good. The newly born baby survived his first near death encounter,” pahayag ng nursing student.

Agad naman dinala ang nanay at bagong panganak na sanggol sa pinakamalapit na birthing facility center at doon isinilang ang ikalawang sanggol.

AUTHOR PROFILE