Default Thumbnail

Nag-iingat lamang si Philhealth Chief Atty. Dante Gierran

April 5, 2021 Marlon Purification 612 views

MAHIGIT isang taon na tayong nakikipaglaban sa pandemya dulot ng COVID 19, ngunit sa halip na mapabuti ay patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Maging ang mga ospital sa ating bansa, partikular sa Metro Manila, ay umakyat na sa 200 percent ang bilang ng mga pasyenteng may COVID. Dahil apaw na sa pagamutan, ang ibang pasyente ay inilagay na sa malalaking tent bilang ekstensiyon ng ospital.

Dagdag dagok din sa mga pasyente at kani-kanilang pamilya ang lumolobo nilang bayarin sa pagpapagamot lalo na’t napabalita na inoobliga ang mga nasa tent na magbayad ng P1,000 kada araw ng pananatili sa pagamutan.

May napabalita pa na P1,000 kada oras ang singil ng ilang pagamutan sa mga pasyente sa mga tent na agad namang inalmahan ng ‘Seatmate Senators’ na kinabibilangan nina Senate Majority Leader Migz Zubiri, Senators Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Grace Poe at Joel Villanueva.

With millions of lives at stake, we cannot just be silent on reports that patients had to pay P1,000 per hour in hospital tents simply because PhilHealth would not cover their temporary stay,” pahayag ng seatmate senators sa kanilang joint statement.

Ipinaalala ng mga senador na sa ilalim ng Universal Health Care Act of 2019 (Republic Act 11223), tinitiyak na may access sa health services at protektado laban sa financial risk ang bawat Filipino.

Therefore, all Filipinos are entitled to PhilHealth benefits and service coverages—including emergency and comprehensive outpatient services,” diin ng mga senador.

Dahil nito, kagyat na nilinaw ng PhilHealth na sasakupin ng COVID 19 packages ang mga pasyente sa hospital tents.

Sa pahayag ni Atty. Dante Gierran, president at chief executive officer ng PhilHealth, tiniyak nito na lahat ng pasyente – nasa tent o nasa loob ng ospital man ay sakop ng health insurance coverage. Pati nga ang RT-PCR tests, isolation sa mga accredited community isolation units at hospitalization sa mga mild hanggang critical cases ng COVID-19 ay sakop sa benebisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philhealth.

Be it COVID-19 or not, patients should be afforded with all the financial help as guaranteed by the Universal Health Care Law,” sabi pa ni Gierran.

Iginiit ng opisyal na alam nila ang kasalukuyang sitwasyon at hindi nila binabalewala ang pangangailangan ng mga pasyente.

Tiniyak nito na bubusisiin nila ang isyu ng paniningil ng P1,000 kada oras na rate sa mga pasyente sa tents.

Pursuant to this, PhilHealth has been reviewing existing policies to better respond to the extraordinary demands brought about by this pandemic, with the best interest of the patients in mind. Enhanced guidelines will be issued the soonest to ensure that adequate financial protection is duty provided to the patients without compromising quality of care,” sabi pa ni Gierran.

Hindi natin masisisi ang reklamo ng ilan nating kababayan hinggil sa ipinatutupad na alituntunin ng PhilHealth sa mga ospital. Ngunit tulad ng sinabi ni Gierran, ‘extraordinary’ ang nangyayari ngayong pandemya at gustuhin man nilang ibigay agad ang kagustuhan ng mga benepisaryo, kailangang maging maingat din ang kanilang pamunuan.

Alalahanin nating kaya naipuwesto si Gierran sa PhilHealth dahil sa multimillion-pisong anomalya ng mga nakalipas na namumuno rito. Kaya problema man iyan sa bayarin sa tent o bayarin ng utang sa Philippine Red Cross at pati na rin ang bayarin sa upa sa kanilang opisina na panibagong ‘isyu’ nila ngayon ay hindi basta magpapadaskul-daskol ang pamunuan nito upang maiwasan ang anumang anomalya o lalabagin sa batas – base na rin sa ipinatutupad nilang panuntunan.

Bilang dating NBI director – abogado at Certified Public Accountant – mabusisi, maingat at naaayon sa batas ang bawat galaw ni Gierran sa PhilHealth. Nakatatak sa kanya ang tagubilin ng Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang anomalya sa naturang ahensiya.

Kaya kung mayroong hindi man pagkakaintindihan sa simula, normal lamang ito at mabilis ding naaksiyunan ni Gierran, kasama ng buong board ng PhilHealth sa ngayon.

At dahil bago ang lahat ng ito sa ating bansa, kinakailangan lamang magkaroon ng pagbabago sa mga polisiya ng Philhealth.

Tama ang ginagawa ng tagapagsalita ng PhilHealth na si Ginoong Rey Balena na walang pagod na nagpapa-interview sa media para maipaliwanag ng tama ang patakaran ng Philhealth. Tama at kahanga-hanga rin ang ginagawang pagbusisi ngayon ng grupo ni Atty. Joe Ngaw, pinuno ng Office of Corporate Legal Counsel ng PhilHealth, para naman busisiin nang husto ang lahat ng transaksiyon at polisiya ng kanilang tanggapan upang maiwasan ang anumang posibleng anomalya.

Alalahanin nating kalagitnaan ng September 2020 lamang naitalaga si Gierran sa PhilHealth at sa ikli ng panahong inilalagi nito sa tanggapan, totoong maraming mga papeles, kontrata, dokumento, polisiya at patakaran ang puwedeng hindi pa ‘naaayos’ nang husto dahil ang pinalitan nilang namamahala ay batbat ng intriga at anomalya.

Kaya marapat ding habaan nating lahat ang ating pang-unawa dahil ang ‘due diligence,’ ‘transparency and accountability’ at ‘good governance’ na ipinaiiral ni Gierran ang magiging daan upang matigil na nang tuluyan ang ‘anomalya’ sa PhilHealth na milyong Pilipino ang pinagnakawan ng nakalipas na administrasyon.

Opinion

SHOW ALL

Calendar