RIT MGA SALARIN–Iniharap ni MPD Chief Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang litrato ng mga suspek sa mga mamamahayag matapos na maaresto sa pamamagitan ng backtracking ng CCTV. Kuha ni Jon Jon Reyes

Murder vs riding in tandem ikinakasa ng MPD

January 18, 2024 Jonjon Reyes 131 views

NAHAHARAP sa kasong murder ang riding in tandem dahil sa pagpatay sa isang negosyanteng ginang sa Jeorge Bocobo at Engracia Reyes Sts., Ermita, Manila.

Nakilala ang dalawa na sina Abdulgani Mansore Said, 35, ang umano’y gunman at si Morsid Omal Pendatun, 25, rider.

Bandang alas-1:00 ng hapon nang bariln at mapatay ang biktimang si Paulina Vergara Antoni, 63, negosyante ng Jeorge Bocobo St., Ermita noong Lunes.

Ayon kay Manila Police District Chief Col. Arnold Thomas Ibay, nagpapalending ang biktima at binayaran ng P30,000 ang dalawang kakasuhan ng murder.

AUTHOR PROFILE