Dizon1

Mural artist kalaboso sa ‘rape’ sa Kyusi

September 6, 2022 Jonjon Reyes 426 views

HINDI na nakapalag nang posasan ang isang mural artist makaraang silbihan ng arrest warrant sa mismong loob ng Trinoma Mall sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon, ang suspek ay naninirahan sa Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat ni P/Cpt. Dave Garcia at assistant chief ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, na isinumite kay P/Lt. Col. Jeorge Jimenez lll, kasama ang grupo ni P/Lt. Col. Lucrecio Rodriguez, hepe ng MDIT-RIU NCRPO (National Capital Region Police Office) nang arestuhin ang suspek sa loob ng mall, bandang 3:30 ng hapon (Setyembre 5, 2022).

Ang arrest warrant ay ibinaba ni Presiding Judge Gina M. Bibat-Palamos ng Regional Trial Court Branch 108 ng Pasay City dahil sa kasong “rape” na walang inilaang piyansa at may petsang Mayo 30, 2018.

AUTHOR PROFILE