Default Thumbnail

Bebot binoga, todas

April 25, 2024 Melnie Ragasa-limena 66 views

TODAS ang 39-anyos na ginang at sugatan ang kanyang live in partner ng pagbabarilin habang natutulog sa Quezon City, ayon sa ulat nitong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Roselle Navalta, 39, at ang sugatan na live-in partner niya na si Richard Casuga, 41.

Patuloy pang tinutugis ang suspek na nakilalang si Paolo Yanguas, alias Pao-Pao, 27, ng 96-A General Ave., Brgy. Tandang Sora, QC.

Sa naantalang report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg Alvin G Quisumbing, mahimbing umanong natutulog ang maglive-in partner nang pumasok ang suspek sa loob ng kanilang bahay at pinagbabaril ang mga biktima.

Tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na destinasyon dala ang baril na ginamit sa krimen.

Kapwa isinugod ang mga biktima sa Quezon City General Hospital pero bandang alas-8:22 ng gabi noong Linggo binawian ng buhay si Navalta.