EB

Mr. T ayaw pa ring magsalita tungkol sa ‘Eat Bulaga’

April 28, 2023 Aster Amoyo 448 views

EB1EB2HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang soft-spoken at dating big boss ng TAPE, Inc. at “Eat Bulaga!” na si Tony ‘Mr. T’ Tuviera. Marami ang nagsasabi na kung ito’y magsasalita ay tiyak na marami pang inside information ang malalaman ng publiko. But he opted not to talk, maybe not for now.

Nobody can question his 43 years of experience in running the company and “Eat Bulaga!” dahil hindi ito magla-last nang ganito katagal kung mismanaged ang kumpanya maging ang programa na siyang flagship program ng TAPE, Inc. at siyang source of income ng company.

Walang sinuman ang nag-expect na magkakaroon ng pandemic dala ng Covid-19 coronavirus which crippled almost all businesses globally at hindi naiiba rito ang “Eat Bulaga!” ng TAPE, Inc. Most business establishments shut down habang ang iba naman ay nagpatuloy at a reduced manpower.

Mr. T did everything he could for the business to keep afloat. He also reduced the number of people sa production at maging sa mga host ng programa and this move was understandable. The company’s revenue slided down pero unti-unti nang nagsibalikan ang mga sponsor and advertiser towards mid of 2021 laluna ang pagpasok ng political ads (seasonal) na malaki ang naitulong sa operasyon ng kumpanya.

Come 2022 ay almost back to normal na ang lahat at unti-unti na ring nag-recuperate sa kanilang revenue ang TAPE, Inc. But because of business reversals during the pandemic. maraming back logs and payables ang naipon na kailangang habulin at unti-unting i-settle. And we believe na ganito ang ginagawa ni Mr. T nung siya pa ang namumuno ng kumpanya bilang pangulo at CEO. But came the drastic change in the company nang i-retire si Mr. T. and was replaced by Romeo `Jon-Jon’ Jalosjos, jr., son of the chairman, Romeo `Romy’ Jalosjos, Sr. Another son, Seth Frederick `Bullet’ Jalosjos is now the Chief Finance Office (CFO) ng kumpanya. In his recent guesting sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang “Fast Talk with Boy Abunda” ay sinabi nito na wala umanong take-over na nangyari sa kumpanya. Mr. T, according to him was designated as consultant of the company (which we don’t know kung tinanggap ng una).

According to the former Senate President at isa sa mga poste ng “Eat Bulaga” na si Tito Sotto, the company owes his brother Vic Sotto and Joey de Leon more than P30M each for 2022 alone.

Si Tito Sen din ang nagsiwalat na gusto na umano silang tatlo nina Vic at Joey i-retire maging ang ibang host ng noontime program at ititira lamang umano sina Jose Manalo, Allan K at Wally Bayola.

Kung hindi maayos ang problemang ito sa pagitan ng mga bagong namumuno ng TAPE, Inc. at ng bumubuo ng “Eat Bulaga!’ sa panunguna nina Tito, Vic & Joey, malamang na wala nang 44th anniversary ng programa ang ise-celebrate sa July 30.

Samantala, nananatiling nakatutok ang mga manonood san iba pang bagong kaganapan sa programa.

Isa sa mga bagong development ay interesado umano ang dalawang TV network, ang TV5 at Net25 na makuha ang serbisyo nina Tito, Vic & Joey maging ang iba nilang mga kasamahan.

Sa ngayon ay meron nang magkakahiwalay na programa ang TVJ sa Net25.

Si Tito Sen ay may “Reality Check,” “Bosleng and Tali” naman sina Vic kasama ang wife niyang si Pauleen Luna at anak nilang si Tali Sotto habang may “Oh No (It’s BO Lang),” isang prank show si Joey. With them having their individual shows sa Net25, hindi malayong magsama-sama ang tatlo sa isang noontime show sakaling hindi maayos ang kanilang problema ngayon.

Baby Peanut napagsama ang mga estranged grandparents

LuisLuis1NAKATUTUWANG tingnan in one frame ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola and their baby na si Isabella Rosie or Baby Peanut kasama ang estranged parents ni Luis na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano with Vi’s present husband nasi Rep. Ralph Recto.

In fairness sa dating mag-asawang Vi at Edu, napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan throughout the years ng kanilang paghihiwalay at nagging magkaibigan din sina Edu at Rep. Recto na siyang mister ngayon ni Vi.

Kaibigan din ni Vi ang isa pang ex-wife ni Edu na si Maricel Soriano maging ang kanyang present partner na si Cherrie Pie Picache. Super close din si Luis sa kanyang stepdad na si Cong. Ralph whom he considers his second father maging sa kanyang half-brother (sa mother side) na si Christian maging sa kanyang younger siblings (sa father side) na sina Addie at Enzo and this is what they call blended family.

Kamakailan lamang ay muling nagsama-sama ang mga mahal sa buhay ni Luis sa binyag ng anak nila ng wife niyang si Jessy na si Baby Peanut.

Kathryn at Daniel magsasamang muli sa pelikula

DanielDaniel1Daniel2ANG tambalan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay siya pa ring hottest loveteam sa kasalukuyan at anumang proyekto na pagsamahan ng dalawa ay tiyak na patok.

Muling magsasama ang dalawa sa isang Cathy Garcia-Molina-helmed movie, ang “After Forever” bilang follow-up sa kanilang 2018 record-breaking movie na “The Hows of Us”. Bukod dito ay may tigdalawa silang magkahiwalay na proyekto with other partners.

Sa recent birthday ni Daniel ay ibinahagi nito ang kanyang tatlong bagong proyekto na gagawin sa taong ito. Bukod sa balik-tambalan nila sa pelikula ng girlfriend na si Kathryn, ang “After Forever” ay may dalawa pang ibang movie projects si DJ, ang psychological suspense-thriller movie na “The Guest” na pamamahalaan ng “Heneral Luna” director na si Jerrold Tarog. Dito ay makakasama niya ang “Heneral Luna” lead star at Cannes’ Best Actor na si John Arcilla under Black Sheep. Ang isa pang movie na kanyang gagawin ay ang dark comedy movie na

“Nang Mapagod si Kamatayan” mula sa panulat ng National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at pamamahalaan ni Dan Villegas.

Dito ay makakasama niya ang kanyang best buddy na si Zanjoe Marudo.

Ang tatlong magkakasunod na proyekto at post birthday gifts kay DJ or Daniel ng ABS-CBN Films na pinamumunuan ni Kriz Gazmen.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE