Elisse

Elisse, excited sa honeymoon destination nila ni McCoy

April 28, 2023 Ian F. Fariñas 273 views

PRIORITY ni Elisse Joson ngayon ang career para siguruhin ang magandang kinabukasan ng unica hija nila ni McCoy de Leon na si Felize.
Una raw sa listahan ng batang ina ang needs ng pamilya, partikular na ang pagkakaroon ng sariling bahay kesa sa magarbong kasal nila ni McCoy.

Aminado si Elisse na dahil sa Covid-19 pandemic, nag-iba ang mga priority niya sa buhay. Kung dati ay pangarap niyang magkaroon ng beach wedding dahil mahilig siya sa beach, ngayon ay okay na sa kanya ang isang simpleng seremonya kasama ang malalapit sa kanila.

“Ang dream wedding ko na lang ngayon is a few close friends, our loved ones in the same small space and gathered altogether to celebrate our love for each other. Parang okay na po sa akin ‘yon,” anang aktres nang makausap ng press sa katatapos na mediacon ng summer events ng Star Magic ngayong Mayo.

Kung sakali, mas nilu-look forward daw ni Elisse ang honeymoon destination nila ni McCoy. Hindi lang isa ang gusto niyang puntahan kundi iba’t ibang bansa kung saan magkasama silang gagawa ng new memories.

Napag-uusapan din daw naman nila ang pagkakaroon ng bagong baby pero sa ngayon, mas type nilang i-enjoy muna ang pagpapalaki kay Felize.

Anyway, kasama si Elisse sa Mother’s Day treat ng Star Magic para sa celebrity mommies sa May 10. Tinawag na Star Mamagic Day, makakasama niya sa araw na iyon sina Jolina Magdangal, Dimples Romana, Vina Morales at Janella Salvador na bitbit ang kani-kanilang mga chikiting.

Bago ito, magdaraos din ng LaHot Sexy Bikini Ball sa May 4 sa pangunguna nina Maymay Entrata, Ria Atayde, Chie Filomeno, Enchong Dee at Jake Cuenca.

Sa May 21 naman gaganapin ang All Star Games kasama ang BGYO at iba pang malalaking Star Magic artists tulad nina Daniel Padilla, Donny Pangilinan at Gerald Anderson na magsisilbing playing coach.

Sa Hunyo, ilu-launch ang limited edition hardcopy portfolio ng Star Magic Catalogue tampok ang mga paboritong Star Magic artists.

AUTHOR PROFILE