Snooky

Sparkle actress, lumaban ng bardagulan kay Snooky!

April 28, 2023 Jun Nardo 243 views

NAKARANAS ng masasakit na sabunot ang Sparkle actress na si Elijah Alejo kay Snooky Serna sa isa nilang bardagulan scene sa Kapuso afternoon series na Underage.

“Bumaon po ‘yung kuko niya sa ulo ko! Ang sakit pero agad siyang humingi ng sorry sa nangyari,” kuwento ni Elijah sa experience niya kay Snooky sa series nang mag-guest siya via Zoom sa kinabibilangan naming Marites University podcast, YT at Facebook page.

Si Elijah ang naging kontrabida sa Prima Donnas. Dahil sa pagiging salbahe niya sa series, may isang galit sa kanyang netizen ang ginawan siya ng memes na patama sa dating Pangulong Duterte.

“Hindi ako ang gumawa nu’n. Pero dahil sa galit sa character ko, gumawa siya ng patama kay President Duterte na hindi ko naman galing mismo sa akin.

“Eh, ako naman, may opinyon ako sa politics at may gusto at hindi ako gusto. Pero never ko namang gagamitin ang social media para manira. Isa ‘yan sa mga itinuturo namin sa Underage. Maging maingat sa paggamit ng inyong social media lalo na ang kabataan,” sabi pa ni Elijah.

Malapit nang magwakas ang Underage at papalitan ito sa hapon ng bagong series na The Seed of Love.

SASABAK SA INT’L MALE PAGEANT

SASABAK sa international teenage male pageant ang panganay ng aktres na si Patricia Javier na si Robert Douglas Walcher IV.

Ayon kay Patricia sa guesting ng family niya sa Marites University, sa Thailand gaganapin ang Mister Teen International at si Robert ang kinatawan ng bansa.

Si Patricia ang Miss Noble Queen of the Universe 2019 habang ang husband naman niyang si Dr. Ron Walcher III ay Mr. Noble King Ambassador 2023.

Nagpapalaganap ng health and wellness ang mag-asawa at lima na ang branches ng kanilang Chiropractic and Wellness Clinic sa Quezon Cty at apat pang branches.

AUTHOR PROFILE