Tolentino

Moral support sa WPS Christmas Convoy hiniling ni Tolentino

December 5, 2023 People's Tonight 104 views

GAPAN CITY — Nanawagan si Senador Francis “Tol” Tolentino ng panalangin at moral na suporta para sa Christmas Convoy sa Ayungin Shoal sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS)

Sa kanyang talumpati sa financial aid distribution sa Gapan, Nueva Ecija, sinabi ni Tolentino na nangangamba siya para sa kaligtasan ng grupong magpapalot papunta sa Ayungin Shoal para mamahagi ng tulong at regalo sa mga tropa ng gobyerni na nasa WPS.

“Ang akin pong pangamba ay harangin sila ng mga dambuhalang barko ng Tsina at palubugin sila,” ayon kay Tolentino.

Sinabi ni Sen. Tol na umaasa siyang walang mangyayaring hindi maganda sa misa na gaganapin pagdating ng nasabing convoy.

“Huwag naman pahintulutan ng ating Panginoon na matulad sa nangyari (kahapon) sa Mindanao na nagmi-misa lamang ay pinasabog pa,” anang senador.

Tinapos ni Tolentino ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng paghingi rin ng dasal para sa Mindanao, na nahihirapan din sa paulit-ulit na lindol.

“Mayroon tayong mga kababayan na nahihirapan ngayon sa Mindanao. Hanggang ngayon, lumilindol pa rin sa Mindanao. Iyon po siguro isama natin sa dalangin,” sabi ng mambabatas.

AUTHOR PROFILE