Yasmin

Misis at bagong baby ni Alfred, nakauwi na

January 2, 2024 Vinia Vivar 129 views

Nakapanganak na nga ang misis ni Alfred Vargas na si Yasmine sa kanilang pang-apat na anak.

Ipinost ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram ang magandang balita sa pagbubukas ng taong 2024.

Makikita sa post ni Yasmine ang larawan niya na karga-karga ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Aurora Sofia.

She gave birth last Dec. 26, 2023 at sa kasalukuyan ay nakauwi na sila ng bahay.

“Aurora Sofia E. Vargas #wearefinallyhome #dec26,” caption ni Yasmine.

Ni-repost naman ito ni Alfred sa kanyang IG Story.

Matatandaan na matindi ang naging hirap ni Yasmine sa pagbubuntis kay Baby Sofia kaya naman isang malaking pagpupugay sa kanya for staying strong at sa lahat ng kanyang sakripisyo.

AUTHOR PROFILE