Kyline

KYLINE, TIKOM PA RIN ANG BIBIG SA BREAKUP NILA NI MAVY

January 2, 2024 People's Tonight 259 views

Patapos na ang taong 2023 nang pumutok ang isyu ng hiwalayan sa pagitan ng on and off-screen Kapuso partners na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng ex-lovers sa tunay na dahilan ng hiwalayan.

Sa huling pakikipag-usap namin sa aktres, umiwas siyang pag-usapan ito.

So, kumusta ang lumipas na taon?

“Lagi naman pong roller coaster ride ang bawat taon,” banggit niya. “But last year (2023), I met the happiest and saddest version of myself.”

Marahil ang itinutukoy ni Kyline ay ang napabalitang breakup nila ng kanyang boyfriend.

“I am just so grateful for every single thing that happened kasi I know — may tiwala po ako — that there is faith, there is a lesson and reason kung bakit nangyari ang mga ‘yun.”

Sad because?

“Just being sad,” nakangiti pero tila ayaw na niyang idetalye pa ito.

Magku-concentrate raw muna siya sa kanyang showbiz career lalo na’t nakatakda nang ipalabas ang serye niyang Shining Inheritance with Kate Valdez, Michael Sager at Paul Salas this month.

“We never know what the future is but right now, focus na lang muna sa career at sa sarili. Now, I am more committed on taking good care of myself, getting to know and prioritizing myself. Gusto kong mas makilala ‘yung sarili ko kasi bata pa naman po ako, at kung ano ‘yung mga limitations ko as a person. Sobrang excited po ako,” kuwento ng dalaga, “dahil nakikita ko po ‘yung effort, hindi lang ng bumubuo ng cast pati na rin ang staff and crew dahil sobrang ganda po ng story namin.

“At isa sa mga ikinae-excite ko po is magiging kontrabra po ulit ako,” masayang ibinalita ni Kyline. “Gusto ko rin pong i-challenge ang sarili ko kasi sabi ko nga po sa past interviews ko, ‘yung comfort zone ko is ‘yung pagiging kontrabida.”

Ang Philippine adaptation ng hit K-drama na Shining Inheritance ay mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy. Ang iba pang miyembro ng cast ay sina Connie Reyes, Wendell Ramos, Roxie Smith at Glydel Mercado. Lito Mañago

AUTHOR PROFILE