Greg

BELA SA KASALANG ANGELICA-GREGG: THE DROUGHT IS OVER

January 2, 2024 Vinia Vivar 160 views

Isa pang napakagandang balita sa pagpasok ng 2024 ay ang kasal ni Angelica Panganiban sa fiancé na si Gregg Homan.

Ginulat ng aktres ang lahat noong January 1 nang mag-post siya ng wedding photos nila ni Gregg.

Ikinasal ang dalawa noong Dec. 31 sa California, USA na sinaksihan ng ilang malalapit na kaibigan and immediate family kabilang na ang tatlong best friends ni Angelica na sina Bela Padilla, Kim Chiu at Direk Andoy Ranay.

“123123.

“Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan.

“Maligayang bagong taon — Mrs Angelica Panganiban Homan,” ang caption ni Angelica.

Makikita sa wedding photos and videos na very private ang kasal. Ang ganda-ganda ni Angelica sa kanyang simple pero eleganteng bridal gown.

Of course, naroroon din ang one-year-old baby nina Angelica at Gregg na si Baby Bean na super-cute rin sa kanyang outfit.

Maging ang wedding reception ay simple lang na ginanap sa In-N-Out Burger house.

Nag-post din sina Bela at Kim sa kanilang IG at masayang-masaya rin sila para sa kanilang kaibigan.

“12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another. Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan

“I felt blessed to witness this beautiful ceremony. I can’t miss this! Love you, Momsy Angge! Thank you, @gregg_homan for loving our momsy. alagaan mo ang momsy namin forever!

“#ANGBEKI IS EXTRA EXTRA HAPPY!!! Momsy @bela, I am glad to experience this with you!” pahayag ni Kim.

Sey naman ni Bela, “The drought is over. Congratulations, Mr. and Mrs. Homan. The best day ever.”

AUTHOR PROFILE