Default Thumbnail

Mga simpleng hiling ng taongbayan sa ‘Team Bautista’

July 24, 2022 Jun I. Legaspi 466 views

Jun LegaspiHALOS buo na ang team ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista. Nanumpa na ang mga bagong opisyal ng MIAA, CAAP, CAB, OTS at MARINA, LTFRB, maliban sa Land Transportation Office (LTO).

Ang pinaka-inaabangan ay kung sino ang ‘magmamaneho’ bilang Assistant Secretary at LTO Chief!

Maraming mga innovation ginawa ang mga nakaraang transport leaders kung kaya dapat doblehin o triplehin pa ang dapat gawin ng maitatalang Assistant Secretary o Chief ng LTO upang maituwid ang mga bagay na dapat ituwid kung meron man.

Simple lang naman ang mga hiling ng publiko sa mga bagong opisyal: Mas mabilis na serbisyo, walang abala sa proseso at higit sa lahat walang dagdag na gastos sa kanilang mga transakyson sa LTO tulad ng pagkuha ng student’s permit, renewal ng driver’s license at maayos na smoke emission testing at Motor Vehicle Inspection.

Hindi raw lahat ng may-ari ng sasakyan ay mayaman. Ang iba ay napilitan lang bumili ng sasakyan dahil hirap dahil kulang ang public transportation at wala silang masakyan papasok sa trabaho.

Kay NAIA GM Cezar Chiong na dating head ng Palexpress Airline Operations Airphil Express malaki po ang tiwala ng industry sa inyong leadership.

Kay Gen. Mao Aplasca na dating Avsec heat at 18th Congress Sgt.-at-Arms, bukod pa sa family man at honest public servant, malaki ang respecto at buo ang suporta ng taongbayan sa inyo.

Sec. Bautista at sa inyo pong team! MABUHAY PO KAYONG LAHAT! SALAMAT PO SA TUNAY NA DIYOS!

AUTHOR PROFILE