Mga labi ni Direk Marilou inilipat sa Libingan ng mga Bayani

October 11, 2023 Aster Amoyo 278 views

ELEVEN years matapos sumakabilang buhay at mailibing sa Loyola Memorial Park in Paranaque City ang award–winning director na si Marilou Diaz Abaya nung October 8, 2012 and conferred as National Artist for Film and Broadcast Arts nung October 2022, her coffin was exhumed and transferred sa Libingan ng mga Bayani in Taguig City in time for her 11th death anniversary.

Ang reinterment kay Direk Marilou at the Libingan ng mga Bayani ay binigyan ng military honors tulad ng paglalagay ng Philippine flag sa ibabaw kanyang coffin, 21-gun salute at iba pang tradisyon na ibinibigay sa isang bayani at National Artist.

Pinasalamatan ng singer-actor son ng yumaong director na si Marc Abaya ang National Commission for Culturre and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ibinigay na pagpapahalaga sa kanyangina.

Ang reinterment kay Direk Marilou was streamed by the NCCA sa kanilang social media account maging sa TikTok account ni Marc Abaya.

Direk Marilou was married to ace cinematographer and editor na si Manolo Abaya at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Marc (singer-actor) at David na isa ring cinematographer tulad ng kanyang ama.

The late award-winning filmmaker ay nag-aral ng filmmaking sa London International Film School. Siya rin ang founder and president ng Marilou Diaz-Abaya Film Institute and Arts Center, isang film school in Antipolo City. She was diagnosed of breast cancer na naging cause ng kanyang pagkamatay.

Among the notable films na dinirekni Direk Marilou include “Brutal,” “Karnal,” “Moral,” “Baby Tsina,” “’Sensual,” “Milagros,” “Sa Pusod ng Dagat,” “Jose Rizal,” “Muro Ami,” “Bagong Buwan,” “Minsan NatingHagkan ang Nakaraan,” “Kung Ako’y Iiwan Mo” at marami pang iba.

Kahit nung nabubuhay pa si Direk Marilou ay may dalawa siyang political statement movie na na-shelve, ang “Four Days in February” na may kinalaman sa People Power Revolution in 1986 at ang “Victory Boy” na pagtatambalan sana nina dating President Joseph `Erap’ Estrada at ang superstar and National Artist for Film and Broadcast Arts nasi Nora Aunor nung 1990. Ito’y may kinalaman sa U.S. bases sa Pilipinas na tinanggal nung 1991.

Sarah at Matteo nagtayo ng sariling production company

SarahSarahPINASINAYAAN kamakailan ang bagong tayong G Productions and G Studios ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ang G Productions is co-producing Sarah G’s concerts with Viva habang ang G Studios naman ay sariling recording studio ng couple kung saan inaasahan ang collaboration with other artists.

Ang plano ng mag-asawang Sarah and Matteo na magtayo ng sarili nilang studio ay nabuo umano nung panahon ng pandemic pero ngayon lamang nila naisakatuparan.

Samantala, kung aktibo ngayon si Matteo sa kanyang acting career, ibinahagi ng kanyang misis na bukas siyang muling gumawa ng pelikula bukod sa concerts. Umaasa ang fans ni Sarah na sana’y muli silang gunawa ng movie ni John Lloyd Cruz maging silang mag-asawana never pang nagtambal sa pelikula maging sa telebisyon.

Since kilala sina Sarah at Matteo sa pagiging fur parents ng kanilang mga alagang aso, umaasa rin ang kanilang supporters na sana’y mabiyayaan na rin ang mag-asawa ng sarili nilang anak lalupa’t maga-apat na taon na rin silang mag-asawa since February 2020.

Si Matteo ay may bagong TV series sa GMA, ang “Black Rider” at may pelikula para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival, ang action-fantasy-adventure na “Penduko.”

Marami naman ang umaasa na sana’y bumalik na rin si Sarah sa “ASAP Natin `To” kung saan matagal na siyang naka-leave.

Mga anak ni LJ may father figure na

LJLJ1LJ2MERON nang father figure ang dalawang anak ng New York-based Kapuso actress na si LJ Reyes na sina Aki at Summer, ang kanyang non-showbiz husband na si Philip Evangelista.

Si Aki (13) ay anak ni LJ sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino habang si Summer (4) ay anak naman niya sa Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis.

Hindi naging hadlang kay Philip ang pagkakaroon ng dalawang anak ni LJ sa iba para ito’y kanyang mahalin at pakasalan. Katunayan, very close si Philip sa dalawang bata.

LJ and Philip tied the knot over the weekend na ginanap sa Beavin House in East Hampton, New York City, USA nung nakaraang Sabado, October 7,

Vilma super busy na uli sa pelikula, vlogging at sa apo

VilmaVilma1Vilma2WALANG alinlangan na ang tambalan sa pelikulanina Vilma Santos at Christopher de Leon ang pinaka-durable and most successful team-up having starred together in 24 movies na ang most recent ay ang Metro Manila Film Festival probable entry na “When I Met You In Tokyo” under JG Productions nina Rowena Jamaji at Rajan Gidwani.

It took Vi and Boyet 19 years bago sila muling nagtambal sa pelikula dahil pinasok ng una ang pulitika. Their last movie together ay ang “Mano Po 3: My Love” ng Regal Entertainment.

Pero sa kabila ng pagiging successful ng tandem nina Vi at Boyet ay never na-link ang dalawa sa isa’t isa kundi isangtrue friendship ang kanilang nabuo.

Ang dalawa ay unang nagtambal sa pelikula in 1976 sa pamamagitan ng pelikulang “Tag-ulan sa Tag-araw” na pinamahalaan ng yumaong si Celso Ad Castillo. Ito’y sinundan ng “Masarap, Masakit ang Umibig” ni Elwood Perez in 1977 who also directed them in five other films tulad ng “Nakawin Natin ang Bawat Sandali,” “Magkaribal,” “Pinay American Style, ” “ Gusto Ko Siya, Mahal Kita,” at “Pakawalan Mo Ako”.

Ang iba pang pelikula na kanilang pinagtambalan ay ang “Ikaw ay Akin” ni Ishmael Bernal na siya ring nagdirek sa kanila sa “Broken Marriage” and “Relasyon,” “Disco Fever” ni Al Quinn,”Sinasamba Kita,” “Paano Ba Ang Mangarap” at “Imortal,” ni Eddie Garcia, “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” ni Marilou Diaz Abaya, “Ipagpatawad Mo” at “Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story)” ni Laurice Guillen, “Dekada `70” ni Chito Rono, “Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal” ni Ike Jarlego,” “Nag-iisang Bituin” ni Joey Javier Reyes at “Mano Po 3: My Love” ni Joel Lamangan.

Bukod sa “When I Met You in Tokyo” ay may iba pang proyektong nakatakdang simulan si Vi at kasama na rito ang isang weekly sitcom.

Ang isang ini-enjoy ngayon ni Vi habang pahinga siya sa kanyang political career ay ang pagiging vlogger na natutunan niya sa kanyang panganay na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola. Masaya rin siya sa kanyang pagiging brand new grandma sa kanyang unang apo (kay Luis) na si Isabelle Rose na may palayaw na Baby Peanut.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE