Default Thumbnail

MC rider dedo, back rider sugatan sa Taal road crash

May 26, 2023 Jojo C. Magsombol 145 views

DEDO ang isang motorcycle (MC) rider at malubhang nasugatan ang babaeng back rider nito nang aksidenteng mabangga ang isang truck na nakaparada sa gilid ng kalye sa kahabaan ng Barangay Carsuche, Taal, Batangas.

Isang lokal na residente ang nag-report sa pulisiya tungkol sa naganap na insidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis ng bayan ng Taal, dakong alas-1:40 ng madaling araw noong Mayo 25, ang mga biktima ay binabaybay ang kahabaan ng highway sa Bgy. Carsuche lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Calaca City nang mawalan ng kontrol at nabangga ang isang kulay asul na truck na may trailer na nakaparada umano sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng impak ng bangga ay tumilapon ang dalawang biktima at duguang bumagsak sa kalsada.

Agarang isinugod ng mga residente ang dalawang sugatan sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, subalit idineklarang patay na ang rider ng motorsiklo nang idating, ayon sa ng attending physician na si Dra. Divine Landicho.

Kasalukuyang naka-confine sa ospital ang babaeng angkas nito.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan.

AUTHOR PROFILE