Lacuna Pinangunahan ni incoming Manila Mayor Honey Lacuna ang pag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa pagdiriwang ipagdiwang ng ika 161-kaarawan ng pambansang bayani nitong June 19, 2022 sa Luneta Park. Kuha ni JONJON REYES

Mayor Lacuna nagpugay kay Rizal

June 19, 2022 Edd Reyes 374 views

PINANGUNAHAN ni Mayor-elect Honey Lacuna-Pangan ang pagpupugay sa watawat at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal bilang bahagi ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani Linggo ng umaga sa Rizal Park.

Si Lacuna, na nakasuot ng silver na Filipinianang damit, ay sinalubong ng mga nalalabing kaanak ni Dr. Jose Rizal, grupo ng mga negosyanteng Tsinoy, miyembro at opisyal ng Knights of Rizal at ni Manila Police District (MPD) Chief District Directorial Staff P/Col. Arnold Thomas Ibay sa Rizal Park bago mag-8 p.m.

Matapos ang pag-aalay ng bulaklak, nakipagpalitan ng pagbati ang mauupong unang babaing alkalde ng Maynila sa mga kaanak ng pambansang bayani at nagpaunlak pang magpakuha ng larawan sa mga bisita bago lumisan sa naturang lugar.

Naging mapayapa naman ang pagdiriwang matapos pangunahan ni MPD Station 5 Commander P/Lt.Col. Jonathan Villamor ang pagbibigay ng seguridad para matiyak na maayos ang gaganaping pagdiriwang.

Nauna rito, dumalo muna si Mayor-elect Lacuna sa isinagawang marathon o ang Rock “n” Roll Running Series na nagsimula ng 5 a.m. sa Roxas Boulevard at dumaan sa mga makasaysayang lugar sa Lungsod ng Maynila tulad ng Rizal Monument National Museum, Manila City Hall, Kartilya ng Katipunan, Fort Santiago at Intramuros. Nina EDD REYES & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE