Default Thumbnail

Maintenance man ng barko nakitang dedo

June 19, 2022 Jonjon Reyes 243 views

NADISKUBRENG nakabigti ang isang maintenance man Sabado ng umaga sa isang cargo ship sa tabi ng dagat sakop ng Pier 18, Vitas Tondo, Manila.

Kinilala ni P/ Lt.Col.Gene Licud, Manila Police District-Station 1 commander, ang biktima na tubong Mahaplag , Leyte , may asawa at stay in sa LCT/Mazu Cargo Ship.

Batay sa ulat ni Licud, nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang ilang tauhan ng Philippine Cost Guard hinggil sa insidente.

Kasama ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) nang mag-responde ang pulisya at nakita na lamang ng mga ito na nasa sahig na ang biktima..

Ang biktima ay nakita ng isang kasamahan na nakabigti mula sa nylon cord sa likod ng pinto ng isang cabin.

AUTHOR PROFILE