Default Thumbnail

May pa-Tiktok ang Koop-Kampi!

October 25, 2021 Marlon Purification 491 views

Marlon PurificationMALAKING bagay ang Tiktok!

Isa na ito sa ginagawang libangan ng lahat. Nakalilibang na, pang-alis pa ng lungkot.

Napaka-stressful naman talaga ng pandemya kaya mabuti at may ganitong uri ng platform sa social media.

Marami na ang gumagawa ng Tiktok Challenge. Gawa man ito ng pulitiko o hindi, malaking bagay na rin.

Kasi, dito ka lang makakakita na nalibang ka na sa kaka-Tiktok ay puwede ka pang magkapera.

Tulad nitong inilunsad ng Tiktok Challenge ng Koop Kampi Partylist.

Pinamagatan nila itong Sayaw ng Pag-asa sa Panahon ng Pandemya.

Isa ang sektor ng kooperatiba na halos kinalimutan ngayong may pandaigdigang epidemya.

Kooperatiba na lang sana ang sandigan ng mga kababayan natin sa probinsiya pero ngayong nananalanta ang coronavirus, kasama sila sa naapektuhan nang malaki.

Mabuti may isang Congressman Tony Bravo na hindi nagpapabaya para sa lahat ng kooperatiba sa bansa.

Bilang pagdiriwang sa National Cooperative Month ngayong Oktubre, inilunsad ng Koop Kampi ang Tiktok Challenge sa buong Pilipinas.

Magkakaroon ito ng dalawang level, ang Island Region (Luzon, Visayas, Mindanao, NCR) at national. Pipili ng Top 3 sa bawat island region at sila ang maglalaban sa national level.

Ang mechanics ay:

1. Bumuo ng grupo na may 5-10 miyembro ng inyong kooperatiba.

2. Gumawa ng dance routine na may habang 1-2 minuto. Maaaring gumamit ng mga props at kanta na galing mismo sa TikTok application.

3. Ipadala ang inyong entry sa [email protected] kasama ang profile ng Kooperatiba na rehistrado sa Cooperative Development Authority. Abangan ang posting nito sa Koop Kampi TikTok Page at Koop Kampi Partylist Facebook page.

4. Ang deadline sa pagsumite ng mga entry ay sa October 28 2021 at ang announcement ng winners ay sa November 8, 2021.

5. Maaaring ishare ng mga kalahok sa kani-kanilang FB accounts ang video para makalikom ng boto sa pamamagitan ng Like o Heart. Ang pinakamaraming boto mula sa pinagsamang Like at Heart reactions sa Tiktok at Facebook ay tatanggap ng “People’s Choice Award”na may kaukulang premyo.

6. Pipili ng Top 3 na mananalo sa Luzon, Visayas, Mindanao at NCR.

7. Ang Top 3 ang tutuloy sa final round kung saan maglalaban-laban para sa national level.

8. Ang pagpili sa winners ay base sa criteria na ito:
Judges Score 50% (Titingnan ang Creativity, Choreography and Aliw Factor)
Number of Social Media Votes 50%

9. Ang premyo sa Island Region Level ay ang sumusunod:

Top 1 – P15,000.00
Top 2 – P10,000.00
Top 3 – P5,000.00

People’s Choice Award -P10,000

10. Makakatanggap naman ng certificate at KOOP KAMPI merchandise ang lahat ng mga kalahok bilang consolation prize.

Ang maganda rito, ang lahat ng mananalo sa Island Region Level ay muling magsusumite ng panibagong entry. Parehong mga panuntunan sa paggawa ng entry sa island region level ang susundin. Ang deadline sa pagpapadala ng entry ay sa November 15 2021 at ang announcement ng winners ay sa November 28 2021.

Para sa iba pang detalye, i-follow n’yo po ang FB Page ng Koop-Kampi.