Pic1

Maxine ikinasal na, ikakasal pa uli

October 5, 2023 Aster Amoyo 280 views

Pic2IKINASAL na ang 2016 Miss Universe Philippines-turned actress na si Maxine Medina sa kanyang diving instructor fiancé na si Timmy Llana last Monday, October 3, 2023 na ginanap sa Immaculate of Mary Church in Antipolo City. It was an intimate wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang respective families and relatives which was officiated by Rev. Fr. Aniceto Abiera. Ito’y sinundan ng reception sa Kalinaw Private Resort, also in Antipolo.

Less than 50 people ang dumalo at kasama na rito ang kanilang tatlong godparents na sina Ben Chan, Jonas Gaffud at Jeffrey Diaz.

Since it was an intimate wedding, wala nito ang traditional wedding entourage except for the bride and groom’s respective parents and the three principal sponsors.

Bukod sa kanilang October 3 intimate wedding, susundan pa ito ng isa pang beach wedding on October 10 na inaasahan naming dadaluhan ng mga close friends ng newly-wed couple who got engaged nung April 4, 2022.

Maricel bida sa pelikula ng bagong film producer

MaryaPicPINASOK na rin ng accountant-turned successful businesswoman at show producer na si Flor Santos, ina ng singers-actors na sina LA Santos at Kanishia Santos, ang pagiging film producer sa pamamagitan ng kanyang bagong tatag na 7K Film Productions.

Ang 7K Film Productions ang producer ng family drama movie na “In His Mother’s Eyes” na film directorial debut ng mahusayna TV series director na si F.M. Reyes, mister ng actress na si Rita Avila. The movie is intended for the coming 2023 Metro Manila Film Festival at tinatampukan ng Diamond Star na si Maricel Soriano, Roderick Paulate at ang singer-actor na si LA Santos.

Napanood namin ang full trailer ng pelikula at malaki ang chance na ito’y makapasok sa Magic 8 ng MMFF.

Maricel plays the role of Lucy na isinakripisyo ang sariling buhay at kaligayahan para matulungan ang kanyang pamilya, maipagamot ang nag-iisang anak na Tim (LA Santos) na may autism, mapag-aral ang kapatid at matulungan ang inang may sakit. Masakit mang mapawalay sa kanyang pamilya laluna sa kanyang nag-iisang anak na kailangan ng kalinga ng isang ina, iniwan niya ito sa pangangalaga ng kanyang nakatatandang kapatid na si Bibs (Roderick Paulate). Ang problema, napalayo ang loob sa kanya ng kanyang sariling anak. May iniinda ring sakit na ovarian cancersi Lucy bukod pa sa ito’y naging biktima ng rape.

Bilang neophyte film producer, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Flor na ang nagpapalakas ng loob ay isang magandang pelikula ang kanilang ilalatag sa moviegoing public.

Samantala, sa darating na October 16 ay nakatakdang ihayag sa publiko ng MMFF Screening Committee ang natitira pang apat na pelikula na papasok sa Magic 8 at magiging opisyal na kalahok sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival.

Since napili na ang Top 4 base sa script, apat na pelikula na lamang ang pipiliin ng MMFF Screening Committee mula sa 12 submitted finished products at kasama na rito ang family drama movie na “In His Mother’s Eyes”.

Ang iba pang malalakas na contenders ay ang “Pieta” nina Nora Aunor, Alfred Vargas, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco at Ina Raymundo na pinamahalaan ni Adolf Alix, Jr., ang “When I Met You in Tokyo,” ang reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang horror triology na “Shake, Rattle &Roll Extreme” ng Regal Entertainment, ang “Nokturno” ni Mikhail Red na pinagbibidahan ni Nadine Lustre at iba pang probable entries.

Direk Mac wagi bilang best director sa Bucharest

Pic3ISANG solo presscon ang ibinigay ng Vivamax sa mahusay na director na si Mac Alejandre matapos nitong manalong Best Director sa recently concluded na Wallachia International Film Festival nung nakaraang buwan sa Bucharest, Romania under the category ng Feature Movies Competition. Ang ipinanalo ni Direk Mac ay para sapelikulang “Selina’s Gold” na tinampukan nina Angeli Khang at Jay Manalo and was streamed on Vivamax nung October 2022.

Puring-puri ni Direk Mac ang husay ng kanyangdalawang lead stars sa “Selina’s Gold”laluna umano si Angeli na rebelasyon umano sa nasabing pelikula.

Ang “Selina’s Gold” ay ilang dekada nang material ni Direk Mac which he wrote when he was still in college na itinago lamang umano niya and waited for the perfect time na ito’y gawing pelikula.

“At first, I asked Ricky (Lee) to write the script and gave him my material, pero sabi niya buo na umano ang istorya at ako na raw mismo ang gumawa ng script nito which I did,” kuwentoni Direk Mac.

Direk Mac shared na isa umano si Ricky Lee sa closest at pinakamatagal niyang kaibigan sa industriya na nagsimula nang magkakilala ang dalawa sa isang film class ng National Artist for Film and Broadcast sa University of the Philippines.

Bago pa man ang Vivamax, it was Viva Films ang nagbigay ng break kay Direk Mac bilang movie director nang ipagkatiwala sa kanya ang pelikulang “Campus Girls” in 1995 na tinampukan nina Vina Morales, Donna Cruz, Donita Rose at Geneva Cruz at nagging sunud-sunod na ang kanyang directorial job. Two years later ay kinuha siya ng GMA to direct the TV series na “Ikaw Na Sana” na sinundan ng marami pang series tulad ng “Click,” “Joyride,” “Darna,” “Majika,” “Marimar,” “Joaquin Bordado,” “Asian Treasures,” “Totoy Bato,” “The Last Prince,” “Endless Love” at marami pang iba.

Naging isa noon si Direk Mac sa mga in-house director ng Kapuso Network before he moved to TV5 kung saan siya pumirma ng four-year contract.

Isa ngayon si Direk Mac sa mga paboritong director ng Viva for Vivamax. May walo na siyang naipalabas for Vivamax at may dalawa pang hindi pa ipapalabas since Vivamax was launched in 2021 with over 7M subscribers and counting.

Proud na ibinahagi ni Direk Mac that his mentors include the late award-winning directors nasina Ishmael Bernal, Gil Portes, Mel Chionglo at Willy Milan. Ang isa pa ay si Chito Rono.

Nag-apprentice umanosiya kay Direk Gil Portes in 1984 pero nagsimula siyang maging assistant director kay Ishmael Bernal in 1986 na sinundan naman ni Gil Portes, Mel Chionglo, Willy Milan at Chito Rono bago siya nagging isang full-fledged director in 1995. Nakapag-direk din siya ng mahigit 200 TV commercials.

Inamin din ni Direk Mac na pangarap noon ng kanyang ina na siya’y maging isang doctor and took up Industrial Pharmacy as his pre-med course sa University of the Philippines. Pero noon pa man ay wala na umano ang kanyang puso sa pagdu-doctor lalupa’tunti-unti na niyang nakakamit ang kanyang pangarap na maging isang director. Nagsimula umano siyang sumali sa iba’t ibang short films competition at parati umano siyang nananalo.

Nang makapag-ipon na umano siya at nakabili ng sarilingbahay at sasakyan, he treated his mom na sa kalaunan ay natanggap na rin ang kanyang pagiging isang director kesa maging isang doctor.

“She’s proud of me and my achievements bilangisang director,” pagmamalaki pa ni Direk Mac.

“Nagpasalamat pa nga siya sa akin nahindi ko sinunod ang gusto niya,” natatawa pa nitong kuwento.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE