Matteo Larawan: Matteo Guidicelli/IG

Matteo, Sarah G. pumasyal sa Spain

December 6, 2023 People's Tonight 158 views

Pahinga muna sa mga kanya-kanyang career ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, matapos pumasyal sa bansang Spain.

“Few more pictures from our Spain trip! San Sebastián was indeed memorable! Where to next my love? ❤️ #lifewiththeGs,” caption ng hunk actor na si Matteo sa kanyang IG post, Disyembre 5.

Sweet na sweet naman ang dalawa sa larawang inupload ni Matteo na kuha sa San Sebastian na kilala bilang isa sa mga siyudad ng Espanya na may magandang infrastructures, a seafaring city, at modernong kultura.

“Wow my heart is so happy for this too you are the reason why I’m still believing that true love exists,” kilig na komento ng isang user.

“Thank you for sharing your beautiful photos from your trip. To more travels together!” dagdag pa ng isa nilang taga-hanga.

AUTHOR PROFILE