Chito Larawan: Chito Miranda/IG

Chito Miranda mas pipiliin ang asawa kaysa barkada

December 6, 2023 People's Tonight 153 views

PINANGGIGILAN ng netizens ang post ng OPM singer na si Chito Miranda sa kanyang Instagram, ito’y matapos amining mas pipiliin niya makasama ang kanyang asawa na si Neri Miranda kaysa mga kaibigan nito.

“Nagpadala ng selfie sa akin yung asawa ko, asking kung uuwi ba daw ako tonight (kasi may gig kami),” caption ni Chito sa kanyang IG post Disyembre 5, kalakip ang bare face na larawan ni Neri.

Dagdag pa niya, “Sa totoo, nagyayaya mga kabanda ko (si Dar and Drew) tumambay at uminom at mag-swimming after ng gig (may bagong heated pool kasi sila Pao at pwede na daw kami ulit tumambay dun basta wag daw namin lasingin masyado si Pao✌🏼😅).”

Sey pa niya, mas excited umano siyang masimhot at sumiksik sa kilikili ng writer na si Neri.

“…and kahit sobrang tempting (sobrang enjoy naman kasi talaga katambay mga kabanda ko), sa totoo, mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na s’ya pag-uwi ko,” saad pa ng vocalist.

AUTHOR PROFILE